5

Oct 17, 2020 @ 11:47
By

Walkie talkie gamit ng guro sa pagtuturo

Dahil sa COVID-19 pandemic, mas nagiging malikhain ang mga guro para maturuan ang kanilang mga estudyante sa pagbabawal ng face-to-face class.

Katulad na lang ni Sherwyne Manlangit, isang guro sa Cagraray Elementary School sa Catanduanes kung saan ginamit niya ang kaalaman sa mga two-way radio o ‘walkie talkie’ para makausap ang kanyang mga estudyante at masimulan ang proyektong Radyo Eduko.

Ilan na ang nagdo-donate sa kanila ng mga radio para mabigay sa mga estudyante na wala ring kakayahan para sa online class.

“Namo-monitor namin ‘yung aming mga mag-aaral na kung meron silang hindi nauunawaan sa kanilang aralain ay kaagad-agad silang nakakapag-tanong at kaagad-agad naman kaming nakakapghari… ng ideya,” lahad ni Manlangit sa ‘State of the Nation Adress’ ng GMA News TV.

Nagpapasalamat naman ang mga magulang ng mga bata na nakatanggap ng radio dahil malaking tulong ito para maintindihan ng mga mag-aaral ang leksyon sa kanilang module.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?