39

Oct 27, 2019 @ 10:12
By

Walker ginulat ang Raptors

Nakuha ni Kemba Walker ang ritmo sa dulo ng laro, nilista ang 11 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para sindihan ang rally ng Boston Celtics tungo sa 112-106 panalo laban sa NBA defending champions Toronto Raptors 112-106 Biyernes ng gabi.

Nagsalansan ng 25 points si Jaylen Brown kasama ang 3-pointer sa closing minutes para sa Boston. Tumapos si Jayson Tatum ng 25 points at 9 rebounds.

Inumpisahan ni Walker ang laro na 0 of 5 sa field, dalawang araw tapos ang 4 of 18 performance sa season-opening loss ng Celtics sa Philadelphia.

Kumana si Pascal Siakam ng 33 points at 8 rebounds para pangunahan ang Raptors na 18 for 36 sa 3-point line. Tumapos si Kyle Lowri ng 29 markers mula sa anim na 3s. Pero napuwersa ang dalawa sa pinagsamang 9 turnovers.

Sa unang dalawang laro, pansin ni Siakam na markado na siya ng ibang teams.

“There’s more help, obviously,” aniya. “Last year, I felt like I was always out there on the side just working. Now there’s a little more intention.”

Na-outscore ng Boston ang Toronto 36-24 sa fourth quarter ng larong tinampukan ng 12 ties at 19 lead changes, walang lumamang ng higit sa pito.

Sa 5:43 mark ng fourth, dinamba ni Brown ang sablay ni Marc Gasol, nagdalawang dribble bago pinalusot ang half-court bounce pass sa gitna ng tatlong Raptors defenders sakto sa kuma-cut na si Gordon Hayward. Tinapos ni Hayward ang play sa layup at 99-98 lead.

Hawak ng Celtics ang manipis na 107-106 lead nang magsalpak si Brown ng 3, 2:49 pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?