37

Dec 19, 2019 @ 23:41
By

Walker, Brown, Tatum pinagpag ang Mavericks

Nagsabwatan ang bagong Big 3 ng Boston na sina Kemba Walker, Jaylen Brown at Jayson Tatum para ihatid ang Celtics sa 109-103 panalo kontra Luka Doncic-less Dallas Mavericks Miyerkoles ng gabi.

May pinagsamang 82 points ang tatlo, 32 rito kay Walker. May 26 si Brown at 24 kay Tatum. Nilista ng tatlo ang 27 sa 33 points ng Boston sa fourth quarter nang kumalas ang Boston.

Wala nang umiskor ng higit pito pa sa Celtics, kulang din ng tao dahil kina Gordon Hayward (left foot soreness) at Marcus Smart (left eye infection).

“The three guys we were going to play through were very clear tonight,” parating ni coach Brad Stevens. “Those guys all had good scoring nights, thankfully.”

Sa pangalawang laro ay wala si Doncic dahil sa right ankle sprain.

Nagsumite si Kristaps Porzingis ng 23 points at 13 rebounds para sa Mavs, pero fouled out naman sa last minute. Nag-ambag si Seth Curry ng 20 points.

Nanalasa si Walker sa first at fourth quarters nang magsalansan ng 16 at 13 points.

Sa middle two periods, ipinaasawa ng Mavericks ang best defender nilang si Dorian Finney-Smith kay Walker, pero nakalimutan naman nilang naiiwang bukas sina Tatum at Brown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?