145
cardinal-tagle
Feb 23, 2018 @ 19:59
By

Walk for Life prayer rally, pagkondena sa EJKs – Cardinal Tagle

Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Katoliko na makiisa sa gagawing “Walk for Life” prayer rally bukas sa Lungsod ng Maynila.

Ginawa ni Tagle ang panawagan sa isang video message kung saan ipinunto ng kardinal na layunin ng aktibidad na itaguyod ang dignidad ng buhay.

“We invite you to this Walk for Life, walk with us for the dignity of life. Let us establish this wonderful gift of life, which at times is disrespected,” saad ni Tagle.

Layunin nitong kondenahin ang mga extrajudicial killings at ipanalangin ang pagbabago ng mga taong nasa likod ng mga ito.

“Walking is a symbol of life. Let us walk for our brothers and sisters whose lives are beset with problems and threats,” dagdag ni Tagle.

Gagawin ang walk for life sa Quirino Grandstand na magsisimula 4:00 ng madaling araw hanggang 8:00 ng umaga.

Nabatid na gagawin ang Walk for Life sa iba pang dioceses tulad ng Archdioceses ng Cagayan de Oro at Cebu, gayundin sa mga Dioceses ng San Pablo at Tarlac, at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?