6

Jul 23, 2020 @ 13:41
By

Walk-in testing center binuksan pa ni Isko

May panibagong libreng walk-in testing center ang binuksan ni Mayor Isko Moreno sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila, Huwebes ng umaga.

Nabatid na ito ang ikalimang COVID-19 testing center na itinayo ni Moreno bukod pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JASGEN), Ospital ng Sampaloc, drive-thru sa Quirino Grandstand, at sa Andres Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall.

Ayon kay Moreno, nangangahulugan ito na doble na ang testing capacity dahil sa mga bagong machine gaya ng Architect i2000 SR, mas mataas na version ng Architect i1000 SR machine, na gawa ng Abbot Laboratories.
Bukas aniya ang mga nabanghit na testing center mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Una nang nanawagan ng donasyon si Moreno para sa patuloy na operasyon ng mga testing center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?