91

Oct 21, 2021 @ 16:25
By

Walden Bello sinuka ng Akbayan

Nilinaw ng Akbayan Partylist na hindi na konektado sa kanila ang dati nilang kinatawan sa Kongreso na si Walden Bello.

Ayon sa Akbayan, binitawan ni Bello ang pagiging kinatawan ng partylist noong 2015 at simula noo’y hindi na naging parte ng grupo.

“He relinquished his post as partylist representative in 2015 based on our party’s code of conduct, which states that if a representative cannot truthfully represent official party positions and views, then that person would have to resign from his/her post,” saad sa press release ng Akbayan.

“To avoid any potential confusion from the public, we would like to respectfully request our media friends to make any future references to Walden Bello and his new electoral engagement under his current affiliation,” dugtong pa nito.

Nilabas ng Akbayan ang pahayag isang araw matapos magdeklara ng vice presidential bid si Bello katambal ang labor leader na si Ka Leody de Guzman.

Ang Akbayan ay nagpahayag na ng pagsuporta sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?