41

Dec 3, 2019 @ 12:44

#WalangPasok: Trabaho sa gobyerno suspendido dahil kay ‘Tisoy’

Inutos ng Palasyo ang suspensiyon ng trabaho sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila mula alas-dose ng tanghali ngayong Martes, Disyembre 3.

Nakasaad ang kanselasyon sa Memorandum Circular No. 73, pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, dahil sa patuloy na paghagupit ng Bagyong Tisoy, at sa mungkahi na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Samantala, tuloy pa rin ang trabaho sa mga ahensiyang nakatutok sa delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, at/o iba pang mahalagang serbisyo.

Nasa pagpapasya naman ng mga pinuno ang suspensiyon ng trabaho sa mga pribadong kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?