58

Oct 20, 2020 @ 22:34
By

#WalangPasok na mga lugar sa Oktubre 21

Kanselado ang klase sa ilang lugar sa bansa dulot ng bagyong ‘Pepito’.

Sa La Trinidad, Benguet, suspendido na ang lahat ng pasok sa trabaho at pampubliko at pampribadong paaralan.

“In order to ensure the safety and security of community members and to allow all households, schools, and establishments to sufficiently prepare, there arises the need to suspend work and classes,” ayon sa nilabas na executive order ni La Trinidad mayor Romeo Salda.

Suspendido na rin ang lahat ng antas sa Our Lady of Perpetual Succor sa Marikina City.

Nitong Martes ay nakataas ang Signal No. 2 sa 15 lugar sa Pilipinas, 10 lugar naman sa Signal No. 1 kasama ang Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?