104

Oct 23, 2017 @ 15:23

#WalangPasok: Judiciary work suspendido sa Nov. 13-15

Nag-anunsyo na rin ang Korte Suprema ng suspensyon ng pasok sa mga hukuman sa panahong gaganapin sa bansa ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Leaders Summit sa Nobyembre.

Sa anunsyo ng Korte Suprema, walang pasok sa lahat ng mga hukuman sa National Capital Region, Bulacan at Pampanga mula November 13 hanggang 15.

Sakop ng suspensyon ang mga mababang hukuman at mga collegiate court kabilang na ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.

Inaatasan naman ng Korte Suprema ang mga Executive Judge sa mga trial court sa NCR, Bulacan at Pampanga na magtalaga ng skeletal force sa kani-kanilang mga tanggapan para tumanggap ng mga emergency pleading o kaso at para sa pagpapalabas ng mga agarang kautusan. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?