By

Walang ‘wrong door policy’ sa DTI

Sharing is caring!

Lahat ng mga reklamo, sumbong, suhestiyon at tanong ng mga konsyumer ay tatanggapin ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ang nakapaloob sa ‘No Wrong Door Policy’ sa kagawaran kung saan maging ang mga isyu ng mga konsyumer na hindi dapat sa DTI ay kanila ng aaksiyonan.

Ayon kay DTI- Fair Trade Enforcement Bureau OIC Ferdinand Manfoste, nakasaad sa Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines na may mga isyu ang mga konsyumer na ang dapat na magpapaliwanag ay ang Department of Health at Department of Agriculture.

“The policy of the State to protect the interests of the consumers, promote his general welfare and to establish standards of conduct for business and industry, which shall be enforced by the DOH with respect to food, drugs, cosmetics, devices and substances; the Department of Agriculture (DA) with respect to products related to agriculture, and; the DTI with respect to other consumer products not specified above,” ani Manfoste.

Ang tanggapan ni Manfoste hanggang noong nakaraang Oktubre ay tumanggap ng 48 reklamo na para sa DOH at DA ngunit dahil sa pag-aksiyon ng DTI, 43 ang naresolba. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?