19

Jan 18, 2021 @ 16:58
By

Walang VIP treatment sa pagbabakuna vs COVID-19 – Duque

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na susundin nila ang listahan ng mga prayoridad sa ikakasang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.

“Yes, madame chair, your honor. We will do our level best to ensure that the prioritization formula is followed. Sundan po natin ‘yung prioritization program,” ani Duque sa isang pagdinig.

Ito ay matapos siguruhin ni ACT Teachers party-list Representative France Castro na itinigil na ang mga umanong VIP vaccination sa pamahalaan.

Una nang napabalitang nabakunahan na ang mga miyembro ng Presidential Security Group noong nakaraang buwan upang ‘maprotektahan’ si Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Disyembre ay inilabas ng DOH ang mga kasama sa priority list para sa rollout ng bakuna.

Kasama sa mga prayoridad na mabakunahan ang mga medical frontliner, mga senior citizen at uniformed personnel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?