75
ABANTE vip treatment mark anthony fernandez
Jan 10, 2018 @ 18:01
By

Walang VIP treatment kay Mark Anthony Fernandez — PDEA chief

Mariing pinabulaanan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na pinagkalooban nila ng VIP treatment ang aktor na si Mark Anthony Fernandez noong ito ay makulong sa Pampanga, matapos na mahulihan ng marijuana.

Sa panayam sa PDEA chief sa isang television show, sinabi nito na bagamat sandali lamang sa kanilang kostudya ang aktor ay hindi ito nakaranas ng special treatment sa kanila.

Aniya, agad namang nailipat sa Provincial Jail ang o District Jail ang aktor at hindi na umano nila sakop pa iyon.

Magugunitang noong Oktubre 2016 nang maaresto sa Angeles City, Pampanga, si Mark Anthony matapos na mahulihan ng isan kilo ng marijuana ng mga pulis.

Subalit nitong nakaraang Disyembre lamang ay nakalaya iang aktor matapos na ibasura ang kaso laban sa kanya.

Dahil dito ay makikipag-koordinasyon umano siya sa kasalukuyang namumuno sa Police Regional Office 3, upang malaman kung ano ang naging basehan kung bakit naabswelto at napalaya ang aktor sa kasong isinampa laban dito

Nabatid na noong madakip si Mark Anthony sa Pampanga, ay si PDEA chief Aaron ang Regional Police Director sa Region 3. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?