165

May 10, 2019 @ 17:07
By

Walang VIP kay Baldo – BJMP

Walang special treatment na ibibigay kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na sumuko sa mga awtoridad matapos ang limang araw na pagtatago, ayon sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ang paniniyak ni Chief Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP, sa pamilya ng napatay na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

“Baldo underwent the usual process on new persons deprived of liberty which was to go through booking procedure after being subjected to medical examination,” giit ni Solda.

Aniya, si Baldo ay ituturing lamang na ordinaryong preso sa Legazpi City Jail Annex makaraang ipasok doon bandang alas-10:35 ng umaga.

Halos limang araw na nagtago sa batas si Baldo makaraang magpalabas ng arrest warrant laban sa kaniya si Judge Maria Theresa Loquillano sa kasong two counts of murder at six counts ng attempted murder.

Kasama ng nasabing alkalde sa piitan ang may 324 preso.

Si Baldo ang inaakusahang utak sa pagpaslang kay Batocabe at police security aide na si SPO2 Orlando Diaz matapos ang gift-giving ceremony sa Barangay Burgos noong Disyembre 22, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?