89
Walang trade kay Parks -- PBA
By

Walang trade kay Parks — PBA

Tanging mga usap-usapan lamang at walang katotohanan kung agad lilipat si Bobby Ray Parks, Jr.

Ito ang muling hinayag ni PBA Commissioner Willie Marcial tapos kumalat ang posibilidad na magkaroon ng trade ang tatlong koponan para makuha ang serbisyon ng tatlong beses tinanghal na MVP sa ASEAN Basketball League.

“Wala,” sabi lamang ni Marcial hinggil sa kinakailangang dokumento na ipasa sa kanyang opisina kung totoo ang usapin para sa pagkuha sa serbisyo ni Parks.

Inaasahang makakalaro na si Parks Jr. sa unang pagkakataon sa liga sa Commissioner’s Cup na didribol sa Mayo 19. Napalampas niya ang pagkakataong makasalang sa 2019 PBA Philippine Cup sa kumuha sa kanya bilang second round draft pick na Blackwater.

Inilabas ng PBA ang iskedyul nitong Martes kung saan makakasagupa ng Elite ang Meralco Bolts na siyang naiiulat na kukuha kay Parks sa unang laro ng dalawang nakatakdang labanan.

Si coach Norman Black ay ninong ni Parks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?