18

Jul 28, 2021 @ 17:23
By

Walang tokhang sa Lacson-Sotto admin

Kung manalo ang tambalang Lacson-Sotto sa 2022 elections, tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na hindi magkakaroon ng ‘tokhang’ sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

“Walang tokhang,” pahayag ni Lacson sa isang forum sa Maynila.

“Sinabi na ito ni Senate President [Sotto]. Sinabi niya na sa’kin na ‘wag ko nang problemahin ‘yun. Sabi niya, kinapos ‘yung current administration. I-admit na rin ito ni Pangulong [Rodrigo] Duterte sa kanyang SONA (State of the Nation Address) na akala niya ganoon kasimple,” dagdag nito.

Ang Oplan Tokhang ay ang anti-drug program ng administrasyong Duterte mula pa noong 2016.

Nauna rito, sinabi ni Sotto kung manalo ang tambalan nila ni Lacson, siya ang hahawak sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ito’y dahil 31 taon siyang tumutok laban sa illegal drugs at drug abuse sa bansa. Naging chairman din siya ng Dangerous Drugs Board sa loob ng sampung taon.

“My first promise would be that I will remove his headache as far as illegal drugs and drug abuse are concerned,” sabi ni Sotto.

“Hindi na niya poproblemahin ‘yun. Ako ang bahala doon. Gagamitin ko yung expertise ko ng 31 years sa advocacy na ito para wag na niyang problemahin yun,” sambit pa nito.

Si Lacson naman, ayon kay Sotto, ang tututok sa ekomomiya at iba pang mahahalagang program ng kanilang administrasyon.

Gayunpaman, sinabi ni Sotto na si Lacson pa rin ang numero uno niyang tagapayo pagdating sa pagsugpo sa iligal na droga dahil dati na niyang pinamunuan ang Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?