130

By

Walang takbuhan! – hirit ng mga kongresista sa MayPac rematch

Sharing is caring!

Gustong matuloy ng mga kongresista ang posibleng rematch nina boxing superstar Floyd Mayweather at People’s Champ Manny Pacquiao.

Pero hamon nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at Deputy Speaker Raneo Abu kay Mayweather, ‘wag puro yakap at takbo ang gawin sa laban.

Matatandaang sa unang paghaharap nina Pacquiao at Mayweather sa tinaguriang megafight noong 2015, ‘hugging at running’ strategy ang ginamit ni Mayweather kaya naman para aa mata ng publiko ay si Pacquiao ang tunay na nananalo.

“I hope he will really face Manny Pacquiao as a boxer. Many fans were disappointed the last time he faced Manny because he keeps on
running inside the ring. Manny should take that challenge and prepare for the biggest fight of his career,” sabi ni Evardone.

Ayon naman kay Barbers, “Mayweather should show a class of a real boxer like what Sen. Pacquiao has been showing in his fights.”

Iginiit ng mga kongresista na dapat magkaalaman kung sino ang totoong kampeon para matapos na ang kontrobersya tungkol dito sa larangan ng boksing.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Mayweather na muli nitong haharapin si Pacquiao.

“I’m coming back to fight Manny Pacquiao this year another nine figure pay day on the way @mayweatherpromotions” ani Mayweather.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?