8

Aug 14, 2020 @ 15:32
By

Walang takas kahit GCQ! Striktong lockdown ikakasa sa ilang parte ng NCR

Ipagpapatuloy pa rin ang striktong lockdown sa ilang bahagi ng Metro Manila sa oras na matapos na ang nilatag na modified enhanced community quarantine sa Agosto 18.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mas magiging strikto ang localized lockdown na kanilang ikakasa sa oras na luwagan ulit ang community quarantine sa rehiyon.

“If we go [back to] GCQ, we’ll have to be very strict doon sa ating localized lockdowns. We have to be more active sa localized lockdowns,” ayon kay Nograles sa panayam sa ANC.

“I think, with Cabinet secretaries assigned to the different cities of Metro Manila now, we can assure the public na even if mag-GCQ mas magiging aktibo po ang pag-localize lockdowns natin,” aniya pa.

Paliwanag ni Nograles, ang pagtatao ng mga miyembro ng gabinete sa bawat lungsod sa Metro Manila ay tinulad sa nangyari sa Cebu City noong pabantayan kay Environment Secretary Roy Cimatu ang naturang lugar matapos sumirit ang kanilang COVID-19 case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?