4

By

Walang taas-pasahe sa MRT – DOTr

Sharing is caring!

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na walang plano para sa pagtaas ng pasahe sa MRT.

Sa inilabas na pahayag ni Transportation Undersecretary for Railways TJ Batan, may utos na sa kanila si Transportation Sec. Art Tugade na wala munang pag-uusap ukol sa taas-pasahe hanggang hindi nagiging maayos ang operasyon ng MRT.

“Mariin na instruction ni Secretary Tugade na hindi tayo mag-i-increase ng anumang pasahe hangga’t hindi nararamdaman ng ating mga commuters ang improvements sa services ng MRT-3,” ayon kay Batan.

Nagkaroon ng pangamba na tataas ang pasahe sa MRT kasunod ng pagtaas ng pasahe sa jeepney at bus.

Huling nagtaas ng pasahe sa MRT noong 2015, ang naging minimum fare ay P11 at dagdag P1 sa bawat karagdagang kilometro ng biyahe.

Ngunit kasunod naman nito ay sunod-sunod na aberya, partikular na ang ‘unloading’ o pagpapababa sa mga pasahero dahil sa samu’t saring problemang teknikal sa mga tren, maging sa sistema ng operasyon ng MRT.

Kada araw, 350,000 katao ang sumasakay sa MRT para sa kanilang biyahe sa bahagi ng EDSA, mula North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?