346

Mar 6, 2020 @ 15:10
By

Walang ‘summer’ sa ‘Pinas – PAGASA

Hindi dapat tawaging “summer” ang paparating na mga buwan, dahil walang “summer” sa Pilpinas.

Nang tanungin kahapon, Marso 5, 2020, ng isang Twitter user kung opisyal na bang summer, sagot ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration:

“there is no “summer” in the Philippines. Ang buwan ng Marso, Abril, at Mayo ay ang “dry season”.”


Sa ulat ng GMA News’ “IM Ready” noong 2014, sinabing walang “summer season” ang lahat ng mga tropical climate country, kabilang ang Pilipinas. Meron lang silang dry at wet season.

Ang dapat na gamiting termino, ayon pa sa ulat, ay panahon ng “tag-init” o “tagtuyot.”

Nararanasan lang ang summer sa mga temperate climate country, na may apat na panahon, gaya ng Amerika, Australia, at Europe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?