100

Oct 30, 2017 @ 19:13

Walang silbing LTO, buwagin na – Castelo

Muling iginiit ni Metro Manila Development Committee Chairman Winston Castelo na buwagin na lamang ang Land Transportation Office (LTO).

Ito’y kasunod ng aksidente sa may Batasan-San Mateo road na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng sampung iba pa.

Giit ni Castelo, paulit-ulit na lamang ang ganitong aksidente dahil sa kapabayaan ng LTO sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga sasakyan.

Dapat aniyang papanagutin dito ang mga taga Motor Vehicle Inspection Service.

Tinawag ng kongresista na walang silbi ang LTO at ang MVIS dahil sa kapabayaan at korapsyon.

Sabi pa ni Castelo, puwede sanang maiwasan ang ganitong mga disgrasya kung ginagawa lamang ng MVIS ang trabaho nito na iniinspeksyuning mabuti ang road worthiness ng mga bumabyaheng sasakyan lalo na ang mga heavy trucks at nag-iingat sa pag-iisyu ng lisensya. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?