66

Dec 24, 2017 @ 14:55
By

Walang senyales na nakidnap si Ica – NCRPO chief

Walang nakikitang indikasyon ang mga pulis na dinukot ang 17-anyos na si Patricia “Ica” Policarpio na nawala noong Huwebes sa Muntinlupa.

“There are no indications yet, but we haven’t ruled out anything yet dahil hindi pa tapos ang investigation,” pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde.

“We will continue on with our investigation. As of this time based on our investigation at dun sa pangyayari walang indication (kidnapping),” dagdag pa nito.

Wala din umanong ransom na hiningi sa pamilya Policarpio kaya hindi ito makukunsiderang kaso ng kidnapping.

Subalit giit ni Albayalde na kanilang titingnan ang posibilidad na may nag-impluwenisya kay Ica na maglayas lalo isa siyang menor de edad.

Aniya, hahayaan na lamang niya ang pamilya Policarpio na maglahad ng totoong pangyayari ng pagkawala ni Ican.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?