52

Dec 28, 2017 @ 16:48
By

Walang ‘second chance’ sa mga trigger-happy na mga pulis

No mercy!

Ito ang naging babala ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde sa mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Paliwanag ng opisyal, kautusan mismo ito ni PNP Chief General Ronald dela Rosa sa mga pulis na maaaktuhan, mahuhuli at mapapatunayang nasangkot sa indiscriminate firing.

Aniya, agad na masisibak sa serbisyo ang pulis na lalabag sa kautusan na ito ng PNP Chief, may patay man o wala dahil sa pagpapaputok ng baril.

Hindi rin bibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga pulis anuman ang dahilan ng kanilang pagkakasangkot sa indiscriminate firing.

Malinaw aniya ang marching order sa kanilang mga pulis kaya malinaw din ang kakaharapin na parusa sa mga hindi susunod dito. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?