50

Nov 16, 2021 @ 21:59
By

Walang scientific basis: Pacquiao pinuri si Digong sa alis face shield

Hindi lamang malaking hassle kundi nagiging sanhi ng peligro ang face shield, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

Kaya naman laking pasasalamat niya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa wakas ay nagdesisyon na itong tanggalin ang face shield.

“We are thankful that President Duterte has finally decided to lift the face shield requirement and make it optional in areas considered as low-risk for COVID,” pahayag ng tatakbong presidente sa 2022 elections.

“Wala rin namang maipakitang scientific basis o kahit statistical research man lang na itong face shield ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng COVID,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?