abante-tnt-vismin-jet-li-002

Walang sakit si Jet Li – manager

Sharing is caring!

Nilinaw ng manager ni Jet Li na maayos ang kalusugan ng aktor.

Ito’y kasunod ng paglabas ng photo ng Chinese superstar sa social media kung saan nagmukhang may sakit ito.

Pero giit ni Steven Chasman, manager ni Li, maayos ang kalusugan ng aktor.

“He’s in great shape. We appreciate everyone’s concern,” sabi ni Chasman. “There’s nothing wrong with him. There’s no life-threatening illness. He’s in great shape.”

“If you took a picture of me at the wrong angle and wrong time of the day, I could look frail as well,” dagdag pa nito.

Ang kontrobersiyal ng photo ni Li ay kuha sa Tibet at nagulat ang kanyang mga fan dahil nagmukhang tumanda ito.

Kaya pati ang South China Morning Post ay nagtanong: “Is this the same Jet Li we all know?”

Sabi sa report ng nasabing diyaryo, nakikipaglaban si Li sa kanyang sakit na hyperthyroidism — isang seryosong sakit sa thyroid, at sa mga injuries na nakuha nito sa kanyang mga stunts noon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?