114

Dec 26, 2017 @ 19:33
By

Walang sagabal sa kalsada sa La Union na pinangyarihan ng Christmas Day tragedy – DPWH

Walang ginagawang pagkukumpuni at wala ring maituturing na sagabal sa kalsada sa Manila North Road sa Agoo, La Union na posibleng naging dahilan ng malagim na aksidente sa nasabing lugar kahapon kung saan 20 ang namatay.

Matatandaan na nagkasalpukan ang isang jeep at isang bus kahapon ng alas-3:30 ng madaling araw sa Barangay San Jose Sur, Agoo, La Union.

Patungo sana ang 29 na sakay ng jeep sa Our Lady of Manaoag Church sa Pangasinan nang maganap ang aksidente.

Paliwanag ni Assistant District Engineer Raul Gali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) La Union 2nd District Engineering Office, ang pinangyarihan ng aksidente ay walang sagabal o maituturing na anumang “hazard” ng nagpapatuloy na proyekto na maaring makaabala sa atensyon ng mga driver o kaya ay makaapekto sa usad ng traffic sa lugar.

“At the time of collision between a southbound jeepney and a northbound Partas bus, the said road section is completely provided with road safety devices such as double yellow lanes, edge lines and rumbling strips”, paliwanag ni Engineer Gali.

Mayroon din umanong reflectorized signages sa lugar, at sapat din ang ilaw doon para sa kaligtasan ng mga motorista,

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, tinangka ng jeep na mag-overtake sa isang sasakyan nang makasalpukan nito ang bus na may sakay namang 31 pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?