40

Oct 3, 2017 @ 17:07

Walang sabwatan sa shabu shipment – ex Customs exec

Hihilingin ni Dating Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service Director Neil Estrella sa Department of Justice (DOJ) na ibasura ang reklamong inihain laban sa kanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng naipuslit na P6.4 billion na shabu shipment mula sa China.

Ayon kay Estrella, ang kanyang kahilingan ay bahagi na kanyang ihahaing kontra-salaysay sa pagdinig sa DOJ sa Huwebes.

Si Estrella, kasama si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at sampung iba pa mga opisyal sa kawanihan, ay ipinagharap ng PDEA ng reklamong “conspiracy to import illegal drugs,” at pagbibigay ng proyeksyon sa mga drug trafficker, mga paglabag sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drus Act o Republic Act 9165.

Sa isang pulong balitaan, iginiit ni Estrella na walang katotohanan ang paratang ng PDEA na nagsabwatan ang mga opisyal ng BOC para makadaan sa express lane ng BOC ang shabu shipment noong Mayo.

Aniya, mismong ang Chinese Embassy na ang naglabas ng pahayag kaugnay ng mahigpit na ugnayan ng mga Customs official ng Chine at Pilipinas kaugnay ng nakapasok na cargo container na naglalaman ng mahigit 600 kilo ng shabu sa Pilipinas.

“If this was true, then we would not have raided and seized his drug shipment, and later on brought him and his Chinese partner to the NBI…” giit ni Estrella.

Kasabay nito, itinanggi rin ni Estrella ang paratang ng private customs broker na si Mark Taguba na siya ay sangkot sa suhulan o tara system sa BOC. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?