353
Walang respeto! Chokoleit ginamit sa ads, K Brosas nabanas
By

Walang respeto! Chokoleit ginamit sa ads, K Brosas nabanas

Hindi nakapagpigil ang komedyante at singer na si K Brosas dahil sa nakitang post ng isang food supplement na ginamit ang mukha ng yumaong kaibigan na si Chokoleit.

Isang food supplement na may bansag na Vegiemax ang nag-post ng mukha ni Chokoleit na pumanaw kamakailan matapos mag-show sa Abra para i-advertise ang kanilang produkto.

Hindi ito nagustuhan ni K at nag-comment sa nasabing post para ipatanggal ito, ngunit imbes na ang buong post ang i-delete ay mismong comment pa niya ang tinapyas.

Dahilan ito para dumulog na sa mismong Facebook account niya ang ‘Tawag ng Tanghalan’ hurado para maparusahan ang nasabing food supplement.

“Sinong hindi mang gigil SA ganito?! Actually kahapon May na post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa Fb page ko, pero infer nag apologize yung mismong company kc dealer lang daw yung nag post.. pero ito iba!!! Nag comment na kami nila @pooh_tik At @itspokwang27 na burahin At paki explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit SA promo NG nyetang vegiemax nila?? Aba! Imbes na burahin yung post nila.. binura yung comments namin?! Wow! At ang hindi ko kinaya eh nag comment pa sila na “kung naka take c Chokoleit NG vegiemax, malamang buhay pa sha”

“.. seriously?!! BAWAL po yan FYI.. ang pag gamit NG pic NG sino Mang artista na di nyo endorser o walang permiso… ano pa kaya kung patay na?!! Pwede kayong idemanda Mga dimunyu kayo! Pwede tayo mag negosyo At mag trabaho NG tamang paraan.. wag Mang gamit ng ibang tao At RESPETO lang naman! Dahil dinedma nyo mga comments at paki usap namin.. ayan! Sikat kana!! Palakpakan!!” ayon sa post ni K Brosas. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?