28

By

Walang reenacted budget – Legarda

Sharing is caring!

Pinawi ni Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda ang pangamba ng ilan na magkakaroon ng reenacted budget para sa susunod na taon.

Ito ay kasunod ng paninindigan ng Kamara na ipagpipilitan nila ang kanilang bersiyon ng budget.

“It is very clear in history that it’s not only house version, it’s not only senate version. It’s really a process, kaya nga nagba-bicam,” saad ni Legarda.

Nilinaw naman ni Legarda na sa kabila ng maraming hindi pagkakasundo ng dalawang kapulungan, nagkakaisa naman sila sa mga dapat iprayoridad.

“We really have to go to the process ang mahalaga dito kami ay nagkakaisa sa mga bagay na dapat iprayoridad gaya ng edukasyon, pulisya, Marawi, magsasaka at teacher,” saad ni Legarda.

Kasabay nito, tutugon si Legarda sa hiling ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maging transparent ang kumite sa ahensyang binawasan at dinagdagang pondo.

Tiniyak ni Legarda na isusumite niya kay Drilon ang record ng bawat amendment at justification na kanilang ginawa sa budget.

Magpapatuloy naman ang bicameral conference committee meeting sa Martes at tiyak anya silang matatapos nila ang budget on time. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?