33
ABANTE FARINAS CHACHA CONASS KAMARA
By

Walang railraoading sa Con-Ass – Fariñas

Binigyang-diin ni House Majority Leader Rodolfo Farińas na nasunod ang rules ng Kamara sa ginawang pag-apruba sa House Concurrent Resolution No. 9 na nagpapatawag ng Constituent Assembly para sa panukalang Charter change.

Ayon kay Fariñas, ang pag-adopt sa nasabing resolusyon ay produkto ng demokratiko at mahabang debate taliwas sa paratang ng Makabayan bloc at iba pang kritiko na minadali ang proseso.

Sinabi ng Majority Leader na hindi lang sa session hall tinalakay ang usapin sa Con Ass kundi sa maraming committee hearings at public consultations sa buong bansa.

May basehan rin anya sa House rules ang pag-apruba sa resolusyon na maaari nang magmosyon para isara ang debate kapag meron nang nakapagsalitang 3 pabor at 2 tutol o isang pabor at walang tutol.

“Nothing at all has been railroaded!” diin ni Fariñas.

Pinaalalahanan naman ni Farińas ang mga kritiko ng Chacha na matagal na itong isinulong maging sa mga nakaraang Kongreso kaya panahon nang seryosong pag-usapan ang amyenda sa Konstitusyon.

“The clamor for Charter change had long been there. It is time we seriously consider it for the benefit of our country and people,” ani Fariñas.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?