222

Jul 8, 2019 @ 11:59
By

Walang puwang sa Maynila! Mga wanted pinapaubos ni Isko

Bukod sa paglilinis sa kapaligiran ng nasasakupan, target din ni bagong upong Manila Mayor Isko Moreno na mawalis ang mga notoryus na kriminal sa lungsod.

Sa panayam kay Moreno sa Unang Balita sa GMA, nilahad nito na kanyang inutos kay Manila Police District chief Police Brigadier General Vicente Danao Jr na huntingin ang mga wanted sa kanilang lugar.

“Huwag niyong hayaang pamahayan ng mga wanted ang Maynila. Lahat ng wanted habulin ninyo kasi malaking insulto ‘yan sa mata ng batas at husgado,” saad ng alkalde.

“Wala po kayong puwang sa Maynila. Punta na lang kayo sa ibang bayan. Huwag kayong mananatili dito sa Maynila dahil we’ll go after you,” banta ni Moreno sa mga kriminal.

Sa nagdaang linggo, nakahuli na agad ang pamunuan ng Maynila ng dalawang wanted, patunay sa pagseryoso ni Moreno s autos kay Danao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?