104

Dec 25, 2018 @ 14:33

Walang pumapansin kay Mamba – Enrile

Inalmahan ni dating Senador Juan Ponce Enrile ang akusasyon ni Cagayan Governor Mamba na siya ay isang ‘disgrace’ sa mga taga-Cagayan.

Sa isang interview kay Enrile ng DZMM noong Nobyembre sinabi ni Enrile na doon sa Cagayan ay walang pumapansin kay Mamba.

“Dun sa amin ay walang pumapansin dun sa tao na iyun.” sagot ni Enrile.

Mariin din niyang itinanggi na siya ang naglagay kay Mamba sa puwesto at hindi niya ito tinulungan na maluklok bilang gobernadora ng Cagayan.

(Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?