34

By

Walang pruweba na nakakagamot ang marijuana – Atienza

Sharing is caring!

Kinastigo ni BUHAY Partylist Representative at Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza ang mga nagsusulong ng House Bill 6517 o ang Medical Cannabis Bill dahil sa pagmamadaling maipasa ang panukala nang wala namang ipiniprisintang solidong patunay na nakagagamot ang marijuana.

Katuwiran ni Atienza, hindi tamang pagtibayin ang medical marijuana bill kung walang malawak na medical research na magpapakitang ligtas itong gamitin sa mga pasyente lalo na kung sinasabing ang layunin ng panukala ay para makagamot ng malalang sakit.

“The proponents must show definitive proof to back up their claims that marijuana is a medicine. Failure to do so would render this bill inutile and defective. We are all for finding ways to help alleviate the plight of Filipinos suffering from debilitating diseases,” giit ni Atienza sa interpelasyon sa sponsor ng bill na si Isabela Rep. Rodolfo Albano III.

Dismayado si Atienza na matapos ang mahabang talakayan at tanungan sa plenary ay hindi masagot ni Albano ang hamon na maglabas ng pruweba na ligtas at epektibo ang medical cannabis.

Ayon sa kongresista, ni walang maipakitang anumang dokumento ang sponsor, pag-aaral o konklusyon mula sa kilalang organisasyon lokal man o dayuhan kabilang na ang US Food and Drug Administration na palagiang ginagamit na halimbawa sa pagsasabing gamot ang marijuana.

“All Congressman Albano presented were mere testimonials. But we cannot, in conscience, pass a law that will affect the lives of Filipinos on the basis of mere personal testimonials. They need to present solid proof to back up their claims,” sabi ni Atienza.

Binigyang-diin nito na hindi maaaring pag-eksperimentuhan ang buhay ng mga Pilipino dahil lamang sa kagustuhan ng ilang miyembro ng Kongreso na gawing ligal ang paggamit ng marijuana. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?