104

Nov 27, 2017 @ 18:00
By

Walang plano ang LP na patalsikin si Duterte – Noynoy

Mariing pinabulaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang akusasyon na nagbabalak silang maglunsad ng destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Wala kami pina-plano na ganyan,” pahayag ni Aquino sa interview ng mga reporters matapos ang misa sa Manila Memorial Park para sa 85 kaarawan ng kanyang amang si Benigno Aquino Jr.

Ayon pa sa dating Pangulo, kung maganda ang ginagawa ng kasalukuyang pamahalaan, hindi umano magtatagumpay ang destbabilization plot laban sa administrasyon

“Pero kung hindi tama ang mga nangyayari, hindi natutupad ang mga pinangako, hindi maintindihan ang sinasabi, yan ang nagki-create ng dissatsifaction,” sabi ni Aquino.

“Hindi sa amin nagsisimula yun. Baka kailangang tumingin sila sa paligid nila,” dagdag pa nito. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?