42

Dec 27, 2019 @ 16:40
By

Walang Pinoy na nasugatan sa Libya

Ayon sa Philippine Embassy sa Tripoli, walang nasugatang Pinoy sa airstrikes sa Zawiyah, Libya.

Dalawa ang naitalang namatay at 10 ang sugatan matapos ang nasabing airstrikes.

“We have not received reports of Filipinos being among the casualties in the recent incidents. But the Embassy is closely monitoring the situation on the ground,” sabi ni Embassy Chargè d’Affaires Elmer Cato sa PNA.

Hindi bababa sa pito ang mga nakatirang Pinoy sa Zawiyah district, na karamihan ay mga nars.

Samantala, binabantayan ng embahada ang Salahuddin district kung saan patuloy pa rin ang mga sagupaan.

“There are about 20 Filipinos in the area who we have been advising to relocate. Some already have moved to relatives and friends elsewhere,” ani Cato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?