45

By

Walang Pinoy na nasawi sa lindol sa Iran, Iraq – DFA

Sharing is caring!

Nagpaabot ang Pilipinas ng pakikiramay sa Iran at Iraq kasunod ng ulat na may 200 na ang nasawi sa malakas na lindol sa Kurdistan region na sakop ng dalawang bansa.

Nilindol ang Kurdish regions ng dalawang bansa alas-9 ng gabi, Linggo ng gabi, alas-2 ng umaga ng Lunes ito sa Pilipinas.

Nakumpirma naman ng embahada ng Pilipinas sa Baghdad at Tehran na wala kahit isang Pilipino sa mga nasawi at nasaktan sa lindol.

“The people of the affected areas of Iran and Iraq are in our thoguths and prayrs today,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

May 3,000 Filipino sa Kurdistan region at ilan sa kanila ay naglabasan sa mga lansangan dahil sa lindol.

Ang lindol ay nakaapekto sa Kurdish areas ng Iran, gayundin sa mga syudad ng Sarpol at Ilam kung saan mayroong walong Filipino-Iranian na pawing ligtas naman.

Inabot din umano ng pagyanig ang Baghdad at nagdulot ng maliit na pinsala sa Philippine embassy doon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?