35

Dec 12, 2017 @ 14:30
By

Walang Pinoy na nadamay sa subway blast sa NY – DFA

Walang Pilipinong nasawi o nasaktan sa pagpapasabog sa subway sa Times Square sa United States of America (US).

“To date, the Philippine Consulate General has yet to receive reports from New York authorities of any Filipinos/FilAms affected by the incident,” ayon sa konsulada.

Hinimok naman ang Filipino-American community sa New York na makipag-ugnayan sa konsulada kung naapektuhan ng pagsabog.

Pinayuhan din na iwasan muna ang Times Square habang nag-iimbestiga ang mga otoridad doon.

Sa ulat, apat ang sugatan sa pagsabog, kabilang ang suspek na isang Bangladeshi. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?