6
flood

Walang Pinoy na nadamay sa Kenya flood – DFA

Sharing is caring!

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na kabilang sa mahigit 100 namatay o maging nadamay sa dalawang buwan ng pagbaha sa Kenya.

Kasabay nito, nagpahayag na si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ng pakikiramay sa gobyerno ng Kenya dahil sa nagpapatuloy na kalamidad.

“We say our prayers for those who lost their loved ones in this very unfortunate event. We also pray for the speedy recovery of those who lost their homes and crops,” ani Cayetano.

Sinabi pa ng kalihim na nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi sa mga miyembro ng Filipino community para talagang matiyak na ligtas ang lahat ng mga Filipino.

Aniya mismong si Ambassador Uriel Norman Garibay ang nagmomonitor sa sitwasyon ng may 346 Filipino sa Kenya.

Base sa mga ulat, noong Marso pa nang magsimula ang malakas na pagbuhos ng ulan sa mga lalawigan ng

Garissa, Makueni, Isiolo, Tana River at Kilifi. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?