18

By

Walang Pinoy na nadamay sa barilan sa HK – DFA

Sharing is caring!

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nasawi o nasaktan sa insidente ng pamamaril sa isang shopping center sa Hong Kong.

Batay ito sa abiso ng Philippine Consulate doon.

Sa mga ulat, apat na magkakapatid na nasa 50 hanggang 72 taong gulang ang binaril ng isang babae habang nasa Quarry Bay Park.

Sinabi ng pulisya roon na maaring away sa pamilya ang nagtulak sa suspek na pagbabarilin ang mga biktima.

Bihira ang insidente ng pamamaril sa Hong Kong dahil mahigpit ang kanilang patakaran sa mga armas.

Sa pinakahuling pagtaya ng DFA, halos 200,000 ang mga Filipino na nagtatrabaho sa Hong Kong, karamihan ay kasambahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?