82

Mar 28, 2018 @ 18:00

Walang peace plan, walang peace talks – Honasan

Hinamon ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan II ang Palasyo at ang partido komunista na maglatag ng pangmatagalang plano para para matigil ang bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at mga rebelde.

Kung walang ganitong plano, wala umanong katuturan na magkaroon ng mga usapang pangkapayapaan dahil wala itong patutunguhan.

Idiniin na marami nang sundalo, pulis, rebelde at mga sibilyan na napatay sa gitna ng bakbakan bukod sa marami na ring ari-arian na nasayang sa kabila ng mga usapang pangkapayapaan sa nakalipas na mga dekada.

Nangangahulugan umano na kulang ang pagpaplano bukod sa wala ring katapatan ang mga nag-uusap.

“Property destroyed over decades of armed conflict, for the peace talks to just be resumed without a clear plan and long-term trajectory,” ani Honasan.

Mariin nitong sinabi na kailangang magpakita ng good faith at sinseridad ng mga rebeldeng komunista na hangad nito ang kapayapaan bago sila kausapin dapat ng gobyerno.

Noong Nobyembre, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 360 kung saan idineklara nag pagkandado sa peace negotiations ng gobyerno at National Democratic Front, dalawang araw iyon bago ang Fifth Round ng peace talks na dapat sana ay gaganapin sa Oslo, Norway noong Nobyembre 25 hanggang 27.

Nagpetisyon naman ang Department of Justice (DOJ) sa korte kamakailan para ideklarang terorista ang mga lider-komunista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?