ABANTE alan peter cayetano passport dfa
By

Walang ‘passport syndicate’ sa DFA – Cayetano

Sharing is caring!

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na walang sindikato sa loob ng kanyang kagawaran sa isyu ng pasaporte.

Ginawa ni Cayetano ang pagtitiyak sa paglulunsad ng 10-year validity ng Philippine passport.

Hamon naman nito sa mga nag-aakusa na maglabas ng mga ebidensiya na may mga tauhan siya na nakikipagkutsaba sa mga travel agencies sa pag-iisyu ng passport.

Sinabi nito, hindi na binibigyan ng appointment slot ang mga passport applications na dumadaan sa mga travel agencies.

Aniya, noon lang nakaraang taon nang alisin ang 1,200 slots para sa passport application ng mga travel agencies.

Umani ng batikos at alegasyon ang DFA dahil sa kanilang online passport application ay puno na ang appointment slots hanggang sa Marso. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?