217
muslim
Jun 5, 2018 @ 19:37

Walang pasok sa Hunyo 12, Hunyo 15 – DepEd

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na walang pasok sa mga eskuwelahan sa Hunyo 12 at Hunyo 15.

Ito umano ay dahil sa selebrasyon ng 120th Independence Day sa Hunyo 12 habang sa Hunyo 15 ay ang pag-obserba ng Eid’l Fitr ng mga Muslim.

Ang Eid’l Fitr ang pagtatapos ng 30-araw na fasting period ng Ramadan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?