168

Mar 28, 2020 @ 19:36
By

Walang party kasama si Sen. Koko sa Dasma-Pacquiao

Sinagot na ni Senador Manny Pacquiao ang ipinadalang sulat ng kanilang Barangay Chairman sa Dasmariñas Makati City.

Base sa sulat ni Barangay chairwoman Rossana Hwang na ipinadala ngayong araw, sinabi ni Pacquiao na pinapahalagahan nilang pamilya ang concern ng barangay sa kanilang kalusugan.

Itinanggi ni Pacquiao ang laman ng sulat ng chairman kung saan sinabi dito na nakikipag-party si Pacquiao kay Senador Koko Pimentel na positive sa corona virus disease.

Aniya ang nangyari noong Marso 4 sa kanilang bahay ay hindi party kundi pulong ng PDP Laban.

Bago pa anya ang direktiba ni chairman Hwang na home quarantine sa pamilya Pacquiao ay naka-quarantine na sila simula pa noong Marso 24 matapos ang special session ng senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?