23

Jun 10, 2021 @ 22:03
By

Walang pang-swab test, ina nanganak sa kalsada

Isang sanggol ang isinilang sa kalsada sa Quezon City dahil wala umanong perang pampa-swab test ang kanyang ina.

Kuwento ng ginang sa “24 Oras” report, hindi siya tinanggap ng isang ospital at dalawang klinika dahil kailangan ng swab test.

“Kailangan daw ng swab test… pag mabilisan P4,800 yata. Wala po kaming pera kasi kargador lang po ‘yung asawa ko,” anang ginang.

Nanghihina na ang ginang nang abutan ng mga operatiba ng Task Force Disiplina bandang ala-una ng madaling-araw noong Martes.

Sabi ng Task Force Disiplina, palabas na ang sanggol kaya agad nilang inakyat ang ginang sa kanilang mobile van at pinaanak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?