22
ABANTE-TNT koko pimentel wala

Walang paksiyon sa PDP-Laban – Pimentel

Sharing is caring!

Hindi umano nagkakaroon ng pagkahati-hati sa ruling PDP-Laban party, ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Sabi ng pinuno ng Senado, walang ring namumuong tensiyon sa pagitan niya at ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod nang batikos ng huli sa Senado na mabagal diumano sa pagpasa ng mga mahahalagang panukalang batas.

Sa Biyernes, Enero 10 magdiriwang ng kaarawan si Alvarez at sinabi ni Pimentel na dadalo sa pagtitipong iyong

“We will all enjoy the birthday party of Speaker in Davao, in Tagum. We are good friends. Nagtutuksuhan lang kami,” sabi ni Pimentel.

Naunang sinagot ni Pimentel ang pasaring ni Alvarez at sinabing ang performance ng senado ay babase sa kalidad at hindi sa dami ng mga ipinapasang mga panukalang batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }