39

May 3, 2020 @ 14:53
By

Walang pake sa COVID! UFC balik-aksyon na

Talsikan ng dugo. Palitan ng pawis. Kapitan ng katawan.

Kung titingnan, mixed martial arts (MMA) ang isa sa mga sport kung saan magiging delikado ang pagkalat ng COVID-19.

Ngunit walang pakialam si UFC President Dana White.

Sa May 9 ay tuloy na tuloy na ang laban sa pagitan nina Justin Gaethje at Tony Ferguson para sa interim UFC lightweight belt sa Jacksonville, Florida.

Ito’y kahit pa Amerika ang bansang pinakamalalang tinamaan ng COVID-19, lampas isang milyong US citizen na ang nagpositibo sa virus.

“UFC will be the first sport back and it’s happening May 9, 13 and 16 in Jacksonville, Florida. I’m excited for the rest of the sports world to join us! Let’s get back to work America!” tweet ni White.

Dati nang naging mapilit si White na ituloy ang UFC 249, dapat ay mangyayari na noong April 18 kung hindi lang nanghimasok ang Disney na may hawak ng ESPN Plus, ang may pay-per-view rights ng MMA sporting event.

Sagot pa ni White sa isang netizen, tuloy-tuloy na at wala nang kanselasyon na magaganap sa UFC.

RP

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?