119

Jan 4, 2020 @ 13:12
By

Walang pake kung may koneksyon! Locsin nabanas sa pumaslang sa OFW sa Kuwait

Napuno si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa nalamang impormasyon tungkol sa pumaslang kay Jeanelyn Villavende, ang overseas Filipino worker na nagtrabaho sa Kuwait.

Sa tweet ni Locsin bilang reaksyon sa balitang hindi na pinapakausap ng mga employer si Villavende sa kanyang pamilya bago ito paslangin, sinabi nito na may koneksyon umano ang pumaslang sa OFW.

“And her murderess is supposed to be well-connected. Well I don’t give a flying f*#k anymore than I would if she was well-connected in the Philippines,” giit ni Locsin.

“I actually don’t give flying f*#k about connections. I find them attached to ugly, weak and useless people.”

Matatandaan na sinabi ni Locsin na dapat ay ‘ulo’ ang maging kapalit ng pagpaslang kay Villavende.

Kaugnay din ng pagpaslang sa OFW ay pinatupad na ang partial deployment ban ng Department of Labor and Employment sa Kuwait.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?