30

Apr 5, 2021 @ 14:32
By

Walang pake kahit ‘di mag-champion! Lillard niyabang milyones sa basher

Pinatulan ni Portland Trail Blazers star Damian Lillard ang isang basher na pinamukha sa manlalaro na wala pa siyang napapalanunang kampeonato.

Sa tweet ng isang netizen, sinabi nito na panis si Lillard kay Stephen Curry, at overrated daw ang 6-time NBA All-Star.

Bumanat naman si Lillard na pagtungtong niya ng edad 35 ay aabot na sa 400-million US dollars ang kanyang yaman.

Isa pang netizen ang nagpatama kay Lillard, na sinabing kahit gaano siya kayaman ay hindi pa rin siya makabibili ng championship ring.

Depensa ng manlalaro, kahit magretiro siya na hindi nag-champion ay komportable na ang buhay ng kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?