24

Sep 9, 2021 @ 16:33
By

Walang pahinga! Parlade may posisyon ulit

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Southern Luzon Command Chief retired General Antonio Parlade Jr. bilang Deputy Director General ng National Security Council.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ilabas ang appointment ni Parlade noong Miyerkules.

“The Palace confirms that President Rodrigo Duterte signed the appointment of Mr. Antonio Parlade Jr. yesterday, September 8, 2021 as Deputy Director- General of the National Security Council,” ani Roque.

Ang paghirang ng pangulo kay Parlade ay ibinatay sa kanyang malawak na karanasan sa military service at tiwala ang Palasyo na magagamit ito ng heneral sa kanyang bagong posisyon sa gobyerno.

“We are confident that his length of fruitful service in the military would immensely contribute in the crafting of plans and policies affecting national security,” dagdag ni Roque.

Hangad aniya ng Palasyo na magagampanan ng maayos ni Parlade ang tungkulin sa kanyang bagong puwesto.

Matatandaang naging kontrobersyal si Parlade matapos akusahan ng mga makakaliwang grupo ng red tagging lalo na sa mga kilalang galamay ng kilusang komunista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?