12

Nov 17, 2020 @ 22:39

Walang pahinga! Fajardo pabatak kahit birthday

Bago naging six-time PBA MVP si June Mar Fajardo, katakot-takot muna na training ang kanyang pinagdaanan.

At kahit ngayong tinuturing na siya bilang pinakadominanteng manlalaro sa liga ay tuloy pa rin ang pag-ayos nito sa kanyang kondisyon.

Sa ika-31 kaarawan ni ‘The Kraken’ ngayong Martes, sumalang pa rin sa pagbuhat sa gym si Fajardo.

Nagpapagaling pa si June Mar sa natamong injury sa binti dahilan para hindi makapaglaro sa PBA bubble.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?