1,070

Dec 24, 2017 @ 13:47

Walang number coding sa Dec. 25-26, Jan. 1 – MMDA

Inalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding Dec. 25, 26, at Jan. 1.

Sa traffic advisory, sinabi ng MMDA na tinanggal din ang number coding scheme sa Makati at Las Piñas.

Noong Huwebes, inalis din ng MMDA ang number coding para sa mga provincial buses sa Dec. 22-26 para maihatid ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?